Si Sen. Manny Pacquiao mahilig mag-English. Karapatan niya ‘yun.
Ngunit
ang sakit niyang pakinggan mag-English dahil sa maliban sa ipit ang
kanyang pagbigkas limitado ang kanyang bokabularyo o mga salita sa
English.
Ngunit hindi ito alam ni Pacquiao, kaya akala niya magaling siya.
Pwede naman siya mag-Tagalog. Kaya lang gusto talaga niya mag-English.
Katulad
nang nagpresenta siya sa Senado ng kanyang bill para sa pagbuo ng
Philippine Boxing Commission, tinanong ni Sen. Franklin Drilon kung
bakit pito ang miyembro ng Commission, sagot ni Pacquiao ay para daw
makakuha ng ‘consensus’.
Ang ibig sabihin ng salitang consensus ay lahat ay nakiki-ayon o pumapayag.
Kaya
medyo mahirap intindihin ang sinabi ni Pacquiao na kaya pito ang
kailangan miyembro ng Philippine Boxing Commission ay dahil sa makakuha
ng consensus. Pati si Drilon at si Senate President Aquilino Pimentel
III ay medyo natuliro sa ‘consensus’ ni Pacquiao.
Ito ang palitan nina Drilon (sumali na rin si Pimentel):
Pacquiao: Mr. President, we made it 7 to get more consensus.
Drilon: I am sorry.
Pacquiao: Consensus, Mr. President.
Drilon: What?
Pimentel: Consensus.
Pacquiao: Consensus.
Drilon: We make it 7 to make it consensus.
Pacquiao: Yes, Mr. President.
Pimentel: Get more consensus, that was what I heard.
Drilon: Why can we not have a consensus if it is 5, or if it is 9, or if it is 3? Why 7?
Pacquiao: It is better to have 7 members, Mr. President, because it was patterned from the Games and Amusements Board.
Drilon: Mr. President, we are just following the pattern, therefore, of the Games and Amusements Board when we placed it at 7.
Pacquiao: Yes, Mr. President, and we do not deny that. We are just separating it from the GAB.
Hay naku.
May nabasa nga ako sa Facebook. Sabi niya, “Lord, ibalik mo na si Lito Lapid sa Senado.”
Si Lito Lapid kasi, alam hindi pagka-mambabatas ang kanyang linya. Artista naman talaga siya. Kaya hindi siya pumuporma.
Si
Pacquaio, hindi niya alam na marami pa siyang hindi nalalaman sa
pagka-mambabatas. Dapat bumalik na lang siya sa pagbu-boksing. Tutal
doon, champion naman talaga siya.
No comments:
Post a Comment