Thursday, March 16, 2017

Destab pa rin?

            Ramdam kaya ni Pangulong Duterte at ng kanyang mga kaal­yado na umuuga ang kanyang administrasyon? Bakit kung sinu-sino ang ina-akusahan nilang nagdi-destabilize raw sa kanya.
Ang salitang destabilization ay kabaligtaran ng salitang English na ‘stable’ na ang ibig sabihin ay matatag, matibay.
        Kaya ang mga gawaing pang-‘destabilization’ o pina-igsing ‘destab’ ay inuuga para maging mahina at sa kalaunan ay babagsak.
Sa kanyang press conference noong Linggo ng gabi, galit na galit siya sa mga minero na humaharang sa confirmation ng kanyang Environment Secretary na si Gina Lopez. Sabi niya, “Kayong mga mining, I know that you are funding the opposite side. Alam ko na ngayon kung sinong gumagastos sa kanila. Hindi ko na lang… I know that some of you are giving funding to the other side to destabilize me.”
       Sabi niya, bahala ang mga pulis at military kung papayag sila (na ma-destabilize siya).
Siyempre todo-tanggi ang Chamber of Mines, ang orga­nisasyon ng mga minero.
Lahat na lang, kasama ang batikos sa mga palpak niyang opisyal at mga kaalyado ay destab daw. Ang reklamo ng korapsyon at maling paggamit ng pera kay Cesar Montano, ang aktor na nilagay niya bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board ay destab daw.
    Ang batikos sa kanyang taga-suporta na si Sandra Cam na nagwala sa NAIA nang siningil sa kanyang paggamit ng VIP room sa airport ay destab daw.
Pati itong si Sen. Panfilo Lacson naki-kanta kay Duterte.
          Inakusahan ni Lacson si Sen. Antonio Trillanes IV na sumusulong daw ng destabilisasyon kay Duterte sa pamamagitan ng mga eksplosibong pahayag ng mga dating miyembro ng Davao Death Squad na sina Edgar Matobato at SPO3 Arturo Lascañas.

Ibinulgar kasi nina Matobato at Lascañas na kay Duterte ga­ling ang order ng pagpatay at binibigyan sila ng pera ni Duterte.


             Pumayag si Lacson na pakinggan ang bagong testimonya ni Lascañas noong isang linggo ngunit ayaw na niyang ipagpatuloy kahit sinabi ni Trillanes na may apat pang gustong magtestigo sa papel ni Duterte sa Davao Death Squad.
                   Sabi ni Lacson, “Ano ba aim, bakit pursigidong ipalabas o ma-prolong, ma-extend ang hearing? Isa lang naman eh, to bring down the administration.”

           Nakakapagtaka ang pahayag ni Lacson na parang ayaw niya malaman ang katotohanan samantalang noon siya ang nangu­nguna sa imbestigasyon sa mga anomalya noong administrasyon ni Gloria Arroyo katulad ng Jose Pidal accounts, Fertilizer Scam, NBN/ZTE, PDAF at marami pa.
Sagot ni Trillanes: “I categorically deny na meron akong pinaplano o gagawing kudeta o destabilization. Kaya rin walang kailangang pondohan ng sino man. Si Lascañas at Matobato ay nagsasabi lang ng katotohanan para mamulat ang taongbayan tungkol kay President Duterte. Ngayon kung nayayanig sila dahil dito, problema nila ‘yun. Bukod pa rito, ang mga mining companies ay mga kaibigan ni Duterte kaya nga hindi n’ya ma-implement ‘yung suspension order ni Sec. Gina Lopez. Kaibigan din nya ang mga drug lords kaya nga wala pang nahuhuli ni isa at puro mahihirap lang ang napapatay.”
Hindi ang pagpuna ang umuuga sa isang lider. Sinabi mismo yan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Destab? Inimulto na kaya si Duterte ng libu-libo na kanyang pinapatay sa Davao Death Squad at ng 8,000 na kanyang pinapatay nitong walong buwan ng kanyang administrasyon?

Source: https://www.abante.com.ph/prangkahan-destab-pa-rin.htm

1 comment:

  1. Wow ElLen tortillas ha. Sa tanda mong yan, tanga ka pa rin? o sadyang tanga tangahan lang dahil natakpan ni Ninoy mga mata mo? Di niyo na maloloko mga tao ngayon hoi. . . Move on dahil aangat na ang mga Pilipino at di niyo na mapipigilan yan kasi lahat kami nagkakaisa, di tulad niyo na kanya kanyang takbo ang mga utak niyo. Kung nasaan ang pera, doon kaya. Wag feeling na may epekto yang mga write ups mo. Gurang ka na at mahina na takbo ng kokote mo inday...

    ReplyDelete