Muling
naghamon si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibitiw siya sa puwesto
kung mapapatunayang may kinalaman siya sa planong pagsasampa ng
impeachment complaint kay Vice President Leni Robredo.
“Tanungin mo maski sino sa gobyerno, LTO, LTFRB, tangunin mo…kung may tinawagan ba ako ni isa.
Kung
mayroon kang masabi, dalhin mo dito sabi ko mag-resign ako. I always do
it with honor,” sagot ng pangulo sa tanong ng media kung may kinalaman
ba ito sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pinag-aaralan na
nila ang pagsasampa ng impeachment sa pangalawang pangulo.
Bago
umalis papuntang Myanmar kanina ang pangulo, nilinaw nito na wala
siyang nalalaman at wala rin siyang ibinibigay na utos sa sinuman para
pag-aralan ang pagsasampa ng impeachment kay Robredo dahil sa lantarang
pagbatikos nito sa gobyerno.
“I
never did anything, I will not do anything about it. ‘Pag sinabi kong
wala, wala talaga. At ‘pag sinabi kong gawin ko yan, umatras ka na kasi
gagawin ko talaga,” giit ni Duterte sa isang press conference sa Davao
City International Airport.
Nilinaw din ni Duterte na wala siyang nakakausap na kongresista o senador para isulong ang pag-impeach kay Robredo.
Sagot
ito ni Duterte sa banta ng pinuno ng Kamara na pag-aaralan ang
posibilidad na magsampa ng impeachment complaint laban kay Robredo dahil
sa ‘betrayal of public trust’.
Sinuportahan
ito ni Solicitor General Jose Calida na nagsabing “treasonous” ang
video message na ipinadala ni Robredo sa United Nations kung saan
ibinunyag ang ‘palit-ulo scheme’ na ginagawa sa war on drugs ng
gobyerno.
Source: https://www.abante.com.ph/duterte-sa-impeach-robredo-will-resign.htm
No comments:
Post a Comment