Thursday, March 16, 2017

100 boto sa Duterte impeachment, oks na!

     Isang-daang Congressmen lang ang kailangan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano para otomatikong maiakyat sa Impeachment Court o sa Senado ang isinampa nitong impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

     Sa press breifing matapos ihain ang impeachment complaint sa tanggapan ni House Secretary General Cesar Pareja, sinabi ni Alejano na 1/3 o katumbas lang ng 100 kongresista ang kailangang para hindi na ito dumaan sa House committee on justice.


“Ayon po sa rules, kailangan lang ng 1/3 votes. 1/3 of the members of the House so kung mayroon tayong 293, more or less po, ipalagay na natin isang daan (100) para umusad ito without going thru committee on justice at diretso na itong ipasa sa Senado,” ani Alejano.

Sa ngayon tanging si Alejano pa lamang ang endorser/complainant sa impeachment complaint laban kay Duterte kaya kung hindi makakuha ng 100 lagda mula sa mga incumbent congressmen ay i-eendorso sa House committee on justice ang reklamo.

Unang idedetermina ng komite na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang “form and substance” ng impeachment complaint at kapag nasa porma at may basehan ito ay saka ito dadalhin sa plenaryo para pagbotohan kung saan kailangan din ng 1/3 votes bago ito iakyat sa Senado na magsisilbing impeachment court.
Source: http://www.abante.com.ph/100-boto-sa-duterte-impeachment-oks-na.htm

1 comment:

  1. NAKAKAAWANG MGA YELLOWTARDS... DOUBLE EFFORT DAHIL SA SOBRANG BITTER, STRESS AT PAGKA DESPERADO... PAKAMATAY NALANG KAYO LAHAT MGA YELLOWTARDS..WAHAHAHAHA!!.. NAKAKAAWA!!..

    ReplyDelete