Inilatag kahapon ng kampo ni Vice
President Leni Robredo ang katotohanan sa likod ng video message nito sa
United NationsUnited Nations (UN).
Una,
ang testimonyang ikinuwento ni Robredo na “palit-ulo” na diumano’y
estilo ng anti-drug operations ng pulisya sa ilalim ng ‘war on drugs’ ng
Duterte administration ay galing mismo sa mahihirap na taong tumatakbo
at nagsusumbong sa kanilang opisina para maghanap ng makakapitan.
Ikalawa,
ang ganitong mga problema at sumbong ng maliliit na biktima mismo ng
kampanya kontra droga, partikular ng unang bugso ng Oplan Tokhang, ay
ipinarating umano nila sa Philippine National Police (PNP) at Department
of the Interior and Local Government (DILG) noong buwan pa ng Enero
ngunit hanggang ngayon ay wala pa umano silang nakukuhang tugon mula sa
nasabing mga sangay ng pamahalaan.
Ikatlo,
hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na naiulat ang iba’t ibang
pamamaraan ng operasyon ng ‘war on drugs’ dahil laman na rin ito ng
iba’t ibang investigative report ng mga international bodies gaya ng
Amnesty International, ng Human Rights Watch (HRW) at mga foreign news
articles. Kaya hindi umano makatwirang sabihing paninira sa pamahalaan
ang ginawa ni Robredo.
Ikaapat,
kalagitnaan ng Pebrero nang matanggap nila ang request ng UN para sa
isang video message ng Bise Presidente na agad naman nilang ginawa ang
video at ipinadala rin agad sa UN. Nangyari umano ito bago pa nagkita
sina Pangulong Rodrigo Duterte at VP Robredo sa Philippine Military
Academy (PMA) graduation rites sa Baguio City.
Ayon
kay Georgina Hernandez na tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo,
naimbitahan umano si Robredo sa annual meeting ng UN Commission on
Narcotic sa Vienna, Austria subalit hindi ito makakadalo kaya hiningan
na lamang ng mensahe patungkol sa drug war sa Pilipinas.
Source: https://www.abante.com.ph/nagsusumbong-ang-tao-kay-vp.htm
Source: https://www.abante.com.ph/nagsusumbong-ang-tao-kay-vp.htm
No comments:
Post a Comment