Huwag uminit ang ulo sa mga palitan ng batikos sa pulitika. Enjoy na lang.
Maraming comedy nga ang nangyayari.
Katulad
ng rally ng mga kontra kay Bise-Presidente Leni Robredo noong Sabado sa
harap ng opisina ni Robredo sa Quezon City na pinangungunahan ng dating
bold star na si Vivian Velez.
Ang galing ng report ni JP Soriano.
Ang galing ng report ni JP Soriano.
Sabi
ni JP, “The protesters doubled in size within less than an hour.
Actress Vivian Velez arrived with four other people, rounding the number
of people who are participating in the rally to 10 based on photographs
by GMA News reporter JP Soriano. (Dumoble ang bilang ng mga
nagpoprotesta sa loob ng isang oras. Dumating ang artista na si Vivian
Velez kasama ang apat na tao. Naging sampu na sila.)”
O, ‘di ba?
Dala-dala nila ang placard na nagsasabing “Impeach, Leni, Resign.” Ano ba talaga kuya — impeach o resign?”
Sabi
kasi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, ipapa-impeach daw nila si
Robredo dahil nagsalita laban sa brutal na kampanya ni Duterte sa ilegal
na droga. Ibinunyag ni Robredo roon ang gawain ng mga pulis na
“palit-ulo” na kung wala ang kanilang hinahanap na nagdodroga, ibang
miyembro ng pamilya ang kinukuha.
Natataranta na yata sila dahil nagsampa ng impeachment complaint si Magdalo Rep. Gary Alejano noong isang linggo.
Sabi
ni Alejano, maraming paglabag sa Constitution si Duterte. Inakusahan
din ni Alejano si Duterte ng bribery, betrayal of public trust, graft
and corruption, at iba pang krimen.
Siyempre
minamaliit ng mga kakampi ni Duterte, lalo na si Pantaleon, ang
impeachment complaint ni Alejano. Ngunit hindi sila pinatulan ni
Alejano, na dating Marine captain.
Nagpasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanyang ginawa. “This is all our fight (Laban natin ito.),” sabi niya.
Sa
mga bumabatikos naman sa kanya, pinaalalahanan niya na ang interes ng
mamamayang Filipino ang dahilan kaya nagsamapa siya ng impeachment
complaint.
Sabi niya dapat patuloy ang pagpalitan ng mga ideya sa mapayapang paraan.
Alam
ni Alejano na mas marami ang pro-Duterte sa House of Representatives.
Ito ay nakita nang inaprubahan ng mga kongresista ang Death Penalty bill
na magbabalik ng hatol na kamatayan.
Ngunit sa buhay, may ginagawa ka kahit alam mong maliit ang tsansa na magtagumpay dahil ang paniwala mo, ‘yan ang tama.
Source: https://www.abante.com.ph/prangkahan-mula-5-naging-10-ang-nag-rali-vs-leni.htm
No comments:
Post a Comment